Monday, August 12, 2013

A Tale of Two Doris in Philippine TV Industry

A Tale of Two Doris in Philippine TV Industry


Tulad ng mga bida ng “Be Careful With My Heart” na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, bumubuhos rin ang blessings sa supporting cast members ng phenomenal kilig-serye ng ABS-CBN, kabilang sa komedyang si Tart Carlos na mas kilala ng TV viewers ngayon bilang si Doris, ang isa sa mga masayahing kasambahay ni Ser Chief (Richard).

Mula sa pagiging kasamahan ni Sabel (Vivieka Ravanes), naglevel-up na si Tart bilang side kick ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa upcoming drama-comedy film ng Star Cinema at Quantum Films na “Ekstra” na ipalalabas na ngayong Miyerkules (Agosto 14).

Alam kong maraming tao na gustong mapunta sa posisyon ko bilang side kick ni Ate Vi, kaya sobrang proud akong maging si Venus na ‘BFF’ (best friend forever) ni Loida (Ate Vi),” kwento ni Tart tungkol sa pelikula nilang idinerek ng isa sa mga direktor nila sa “Be Careful With My Heart” na si Jeffrey Jeturian. “Napaka-low profile at humble ni Ate Vi kaya hindi naging mahirap ang mga eksena namin. Pero nakakakaba talaga kasi napakaprofessional niya, napakahusay.”

Aminado si Tart na imposible niyang nakuha ang biggest break niya sa movies kung hindi dahil sa “Be Careful With My Heart.”

Talagang tinatanaw kong isang malaking utang na loob sa ‘Be Careful’ na mas maraming tao na ang nakakakilala sa akin. Kahit sa mundo ng stage acting, mas maraming offers; dagdag pa dito ang dami ng commercials at TV plugs sa ABS-CBN,” kwento ni Tart. “Dahil rin sa show namin ay nakita ni Direk Jeff ‘yung mga kaya kong gawin at naisip niya akong isama sa pelikula nila Ate Vi.”




Samantala, patuloy ang pagbibigay-saya ni Doris Bigornia sa mga ordinaryong tao sa kanyang programang “Mutya ng Masa” bukas (Agosto 13) kung saan bibigyan niya ng mala-birthday party na sorpresa ang isang batang ulila.

Pupuntahan ni Doris ang Baywalk sa Maynila kung saan makikilala niya ang 10 anyos na si JM, na dalawang taon nang namamalagi sa lugar matapos maulila sa mga magulang. Nang tanungin ng Mutya kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, ni-request niyang dalhin siya sa Star City at Jollibee dahil daw doon siya palaging dinadala ng kanyang nanay noong nabubuhay pa ito.

Bukod sa pagbibigay kay Doris kay JM, kinumbinsi din siya ni Doris na tumira sa shelter ng DSWD nang sa ganoon ay matutukan ang kanyang paglaki.

Ipinaliwanag ni Doris na kagaya ni JM at ng iba pang taong natulungan na ng “Mutya ng Masa,” ang mga tao sa lugar na kanilang dinadalaw ang namimili ng mga papasayahin at hindi ang mismong programa. Patunay umano ito na hindi totoong walang pakialam ang mga Pinoy sa kanilang kapwa.

Tanong namin, ‘Sino ba sa tingin niyo ang dapat naming tulungan?’ Sila, kahit pare-parehong mahirap, tinuturo ang iba na mas matindi pa ang problema sa kanila. Nakakatuwa na gusto pa rin pala nating magtulungan. ‘Di tayo swapang. ‘Merong mas matindi ang problema; saka mo na ako tulungan’ – yun ang konsepto ng ‘Mutya ng Masa,’” pahayag ni Doris.

Huwag palampasin ang “Mutya ng Masa” bukas (Agosto 13), 4:15 PM sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MutyaNgMasa.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India