Monday, August 12, 2013

“Got To Believe” Premieres on August 26

“Got To Believe” Premieres on August 26


Simula sa Agosto 26 (Lunes), muling maniniwala ang sambayanan sa ‘magic of love’ na hatid ng “Got To Believe,” ang most romantic series ng 2013 na pinagbibidahan ng reigning ‘Teen King and Queen’ ng Philippine showbiz na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang pinakabagong Primetime Bida series ay obrang pantelebisyon ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina. Ang “Got To Believe” ay tungkol sa dalawang kabataang galing sa magkaibang mundo na magtatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon–ang rich kid, spoiled ‘prince’ na si Joaquin (Daniel) at si Chichay (Kathryn), ang simple girl with big dreams para sa kanyang pamilya. Bukod kina sa Daniel at Kathryn, bahagi rin ng cast sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian Veneracion at Carmina Villaroel.

Damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa upcoming romantic-comedy series na “Got To Believe,” magsisimula na sa Agosto 26 sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa official social media accounts ng “Got To Believe” sa www.facebook.com/G2B, at www.twitter.com/G2BGottobelieve.

Watch Got To Believe Full Trailer : The Continuation Video below:



0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India