Saturday, September 07, 2013

Is the Senate in Favor of the Pork Barrel Abolition?

Is the Senate in Favor of the Pork Barrel Abolition?


Buong tapang na haharap sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Setyembre 7) si Senador Teofisto ‘TG’ Guingona III upang ibahagi ang kanyang saloobin kaugnay ng pambabatikos ng publiko sa mga mambabatas na tulad niya kaugnay ng isyu ng pagbasura sa priority development assistance fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Sang-ayon ba si Sen. Guingona na ang tuluyang pagtanggal pork barrel ang solusyon sa problema ng korapsyon sa Pilipinas? 

Dapat bang gawing state witness sa imbestigasyon ng kontrobersyal na P10-billion pork barrel scam ang ‘di umano’y mastermind nito na si Janet Lim-Napoles? 

Ngayong nabanggit sa kagaganap lamang na Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng PDAF scam ang mga kapwa niya senador kabilang sina Sen. Bong Revilla, Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, paano mapapanatili ng Senado ang tiwala sa kanila ng taong bayan? 

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India