“Juan dela Cruz” is the Most-Watched TV Show in the Philippines
Naghahari pa rin sa Philippine primetime TV ang hit superhero teleserye ng ABS-CBN na “Juan dela Cruz” na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin.
Patunay dito ang pinakahuling datos noong Miyerkules (Hulyo 17) mula sa mas mapagkakatiwalaang ratings service provider na Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa, kung kailan naging most-watched TV show sa buong Pilipinas ang “Juan dela Cruz” taglay ang kahanga-hangang 35.9% national TV ratings, kumpara sa katapat na programa na “Anna Karenina” na nakakuha lamang ng 21.9%. Ang 14 na puntos na lamang ng “Juan dela Cruz” ang patunay na walang katotohanan ang pahayag na nagsasabing panalo sa timeslot nito ang bagong teleserye ng GMA.
Pumangalawa sa “Juan dela Cruz” ang pinakabagong Kapamilya teleseryeng “Muling Buksan Ang Puso.” Ito ay kontra sa balitang ang “Mundo Mo’y Akin” ang ‘most-watched drama series on primetime’ dahil nilampaso ito ng “Muling Buksan Ang Puso” na umariba kamakailan ng 29.6% national TV ratings, o walong puntos na mas mataas sa 21.3% na nakuha ng kalaban.
Gayundin, reynang-reyna pa rin ng time slot nito ang fast-paced Kapamilya drama na “Huwag Ka Lang Mawawala” ng Pinoy Soap Opera Queen Judy Ann Santos na nagkamit kamakailan ng 21.9% national TV ratings o mas mataas ng limang puntos sa katapat nitong seryeng “My Husband’s Lover.” Sa kabila ng pahayag na mas marami itong viewers, patuloy na humihina ang “My Husband’s Lover” na nakakuha lamang kamakailan ng 16.5%.
Bukod sa mga de-kalibre nitong teleserye, nanatili rin ang flagship TV newscast ng ABS-CBN na “TV Patrol” bilang most-watched news program sa bansa. Pangatlo sa pinakapinanood na programa kamakailan ang “TV Patrol” taglay ang national TV rating nitong 28.8%, o mas mataas ng 10 puntos sa katapat nitong “24 Oras” na nagkamit lang ng 18.7%.
Samantala, mas lalong napapamahal sa TV viewers ang family drama series na “Annaliza” ng Kapamilya child star na si Andrea Brillantes dahil nagkamit ito ng 18.5% national TV ratings, kumpara sa kalaban nitong “Home Sweet Home” na mayroon 11.2% lang. Wagi rin sa timeslot nito ang Koreanovelang “That Winter The Wind Blows” na nakakuha ng 9.9% national TV ratings, kumpara sa katapat nitong “Padam Padam The Music of Their Hearts” na may 7.2% lang.
Huwag palampasin ang sunod-sunod na de-kalidad na programa tuwing gabi–“Annaliza,” “TV Patrol,” “Juan dela Cruz,” “Muling Buksan Ang Puso,” “Huwag Ka Lang Mawawala” at “That Winter The Wind Blows”–sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment