Thursday, July 25, 2013

Nash Aguas Saves Alexa Ilacad in "Luv U"

Nash Aguas Saves Alexa Ilacad in "Luv U"


Makikita ang totoong pag-iingat sa isa’t isa ng dalawang magkaribal sa “LUV U”, ang bad boy ng na si Benj (Nash Aguas) at ng modelong estudyante na si Lexie (Alexa Ilacad) ngayong Linggo (Hulyo 28).

Matapos guluhin ang review para sa long test at maglabas ng mga skandalosong larawan, tinawag ni Principal Spencer (Smokey Manaloto) ang mga estudyante para mag-anunsyo ng isang warning. Sabi niya na kung may iba pang kalokohang maganap ay mapipilitan na siyang ipatawag ang mga magulang ng mga teens.

Dahil hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon si Benj ng kanyang mga magulang, naisip niyang hindi sundan ang warning ni principal spencer. Gumawa nanaman siya ng isang pilyong balak para mapahamak niya ang kanyang sarili—pero ang problema, nalagay naman sa masamang sitwasyon din si Lexie.

Samantala, may isa pang pagkakaibigang mabubuo na hindi ine-expect, malalaman ni Archie (Kobi Vidanes) na wala palang dalang baon o allowance si Shirley (Sharlene San Pedro).

Huwag palampasin ang kakaibang mga kaganapan sa susunod na episode ng “LUV U” ngayong Linggo (Hulyo 28) sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “ASAP 18”.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India