Sunday, July 21, 2013

Enrique Gil Named Philippines' Sexiest Man 2013

Enrique Gil Named Philippines' Sexiest Man 2013


Tinanghal ang “Muling Buksan Ang Puso” lead actor na si Enrique Gil bilang “Sexiest Man in the Philippines for 2013″ sa online poll ng sikat na entertainment website na Starmometer na nilahukan ng libu-libong fans sa Twitter at Facebook.

Nagkamit si Enrique ng kabuuang 39,746 votes, na sinundan ng kapwa Kapamilya actor na si Xian Lim na nakakuha ng 22,091 votes.

Naghari ang ABS-CBN sa resulta ng online poll ngayong taon dahil siyam na pwesto ang sinakop nito sa top 10 list. Pasok sa listahan sina Matteo Guidicelli sa no. 3, Coco Martin sa no. 4, Slater Young sa no. 6, na sinundan nina Sam Milby, Gerald Anderson, Paulo Avelino at Richard Yap.

Kabilang sa Kapamilya actors na nagwagi sa taunang online poll sina Sam noong 2007, Piolo Pascual noong 2008, Enchong Dee noong 2011, at Coco noong 2010 at 2012.

Samantala, patuloy na mamangha sa husay sa pagganap ni Enrique kasama sina Enchong at Julia Montes sa “Muling Buksan Ang Puso,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Juan Dela Cruz, sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Muling Buksan Ang Puso” sa www.facebook.com/MulingBuksanAngPuso.TV at www.twitter.com/MBAP_official.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India