“Goin Bulilit” Star Cha-Cha Cañete Wins at 17th World Championships of Performing Arts (WCOPA)
Ang child star ng hit kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na si Cha-Cha Cañete ay nagtagumpay sa naganap na 17th World Championships of Performing Arts (WCOPA) at nakakuha ng dalawang medalya mula sa Hollywood, California sa kompetisyon na ginanap mula Hulyo 12 hanggang 21.
Napabilib ni Cha-Cha ang lahat ng mga manonood pati na rin ang mga nag-judge sa kanyang pagkanta sa limang kategoryang sinalihan niya. Sa murang edad pa lamang na walong taong gulang, nabigyan siya ng dalawang Silver award para sa kanyang performance ng “The Climb” sa Pop Category at “Climb Every Mountain” sa Gospel Category.
Maliban kay Cha-Cha, malaking tagumpay rin ang nakamit ng Team Philippines laban sa higit pa sa 50 na bansa.
Ang pinakamataas na titulong “Senior Grand Champion” ay napunta sa Philippine representative na si Beverly Caimen, habang ang titulong “Junior Grand Champion of the World” ay napunta kay Aldeza Ianna de la Torre. Grand slam ang nakamit ng Team Philippines sa kanilang pagkapanalo sa parehong dibisyon.
Ang pagbigay-rekognisyon sa ating bansa ay nadagdagan pa ng Gollayan Sisters na tinanghal na “Grand Champion Vocal Group of the World”, at ni Reynaldo Gorospe, Jr. na nanalong “Grand Champion Male Model of the World” na pinakaunang pambato ng Pilipinas sa Modeling Category.
Ang Pinoy na unang nakatanggap ng titulong “Senior Grand Champion Performer of the World” at “Senior Grand Champion Vocalist of the World” noong 2005 na si Jed Madela ay na-induct din sa WCOPA Performing Arts Hall of Fame. Ang Pinoy Dream Academy scholars na sina Chivas Malunda at Laarni Lozada ay kasama sa mga nag-uwi ng mga medalya.
Dahil sa mga nakamit na panalo, idineklara rin ang National Director ng Team Philippines na si Gerry Mercado na “3rd Best National Director.”
29 na miyembro ng Team Philippines ang nakatanggap ng iba’t ibang award sa WCOPA ngayong taon. Nakauwi sila ng 43 na Gold, 38 na Silver at 26 na Bronze. Nakatanggap din ang team ng apat na Industry Award.
Ang Philippine Team para sa WCOPA ay pinangunahan nina WCOPA International Director na si Annie Mercado, WCOPA-Philippines National Director na si Gerry Mercado, at ang mga official talent scout na sina Charie Vega at Lito Napolitano na nagmula sa Pilipinas, si Royce Pellerin mula sa Japan, at si Dr. Molina mula sa Saudi Arabia.

0 comments:
Post a Comment