Saturday, March 10, 2012

Robinson's Galleria Fire

Nasunog ang ika-apat na palapag ng Robinson's Mall Galleria sa Ortigas.

Eastwood Fire Station chief Froilan De Guzman, naganap ang sunog sa isang pet shop, katabi ng Victory Church sa fourth floor ng mall.

Agad pinalikas ng mga guwardya ng mall ang mga tao kasunod ng usok na nagmumula sa ika-apat na palapag ng mall.

Nabatid na sa iniwang nakasaksak na rice cooker ang dahilan ng sunog.

Hindi naman na kumalat ang apoy sa kalapit establisyemento at agad na naapula ng mga bumbero.

Batay sa pahayag ng ilang lumikas, sinabihan sila ng mga guwardya na nagsasagawa lang ng fire drill upang maiwasan ang pagpa-panic.

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP) umabot pa sa mahigit 30 minuto bago pinayagang makapasok ng security ng naturang mall ang mga rumesponde nilang tauhan.

Dagdag pa ni BFP- National Capital Region (NCR) Director Chief Supt. Santiago Laguna, posibleng managot ang mga humarang sa mga tauhan ng BFP dahil una nang iginiit ng mga mall security na isang fire drill lamang ang nangyari at hindi sila agad pinayagan makapasok sa loob ng mall.

Idineklara nang fireout ang sunog at hindi na ito kumalat pa. Wala ring naitalang nasaktan sa nasabing insidente.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India