Tuesday, August 06, 2013

Judy Ann Santos Risks Everything for Her Son in "Huwag Ka Lang Mawawala"

Judy Ann Santos Risks Everything for Her Son in "Huwag Ka Lang Mawawala"


Wala nang takot ang karakter ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa top-rating at fast-paced na kwento ng primetime drama series ng ABS-CBN na “Huwag Ka Lang Mawawala.”

Dahil mula sa pagiging battered wife ni Eros (Sam Milby), nagawa ni Anessa (Judy Ann Santos) na bumangon at pahusayin ang sarili upang ipagtanggol ang sarili mula sa mga umapi sa kanya at ipaglaban ang karapatan niya bilang ina sa anak na inagaw mula sa kanya nina Eros at Alexis (KC Concepcion).

Handa na bang isugal ni Anessa ang lahat upang tuluyang mabawi si Emman (Miguel Vergara) mula sa kamay ng mga Diomedes? Paano gagawing ‘mas espesyal’ ni Anessa ang kasal ni Eros at Alexis?

Samantala, patuloy na nagre-reyna si Juday at no. 1 sa time slot nito ang “Huwag Ka Lang Mawawala.” Patunay dito ang palagiang pagwawagi ng de-kalibreng serye ni Juday sa ratings game sa mula nang umere ito noong Hunyo 17; at ang pagtaob nito sa dalawang serye na ng GMA, ang Mundo Mo’y Akin at My Husband’s Lover. At noong Hulyo 5 (Biyernes), nakamit ng programa ang all-time high national TV rating nito na 31.4%, o mas mataas ng siyam na puntos sa unang kalaban nitong serye na Mundo Mo’y Akin na may 22%, base sa datos mula sa Kantar Media na sakop ang mga kabahayan sa parehong urban at rural areas sa buong bansa.

Katulad ni Anessa, nanatiling napakalakas at hindi patatalo ng “Huwag Ka Lang Mawawala” sa kabila ng pagpasok ng bagong katapat na programa. Base pinakahuling datos mula sa Kantar Media noong Biyernes (Agosto 2), big winner sa time slot nito ang serye ni Judy Ann na nakapagtala ng 14 puntos na kalamangan kontra sa nakuha ng My Husband’s Lover.

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga eksena sa nalalapit nang pagtatapos ng “Huwag Ka Lang Mawawala,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Muling Buksan Ang Puso” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.

P10-Billion Pork Barrel Scam Exposed

P10-Billion Pork Barrel Scam Exposed


Isisiwalat na ng sikat na fashion designer na si Eddie Baddeo ang lahat ng nalalaman niya kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng ‘di umano’y mastermind ng P10 billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Agosto 10), ilalahad ni Baddeo, na naging dating ahente ni Napoles, ang lahat ng kanyang nalalaman sa isyu ng ‘ghost transactions’ sa gobyerno. Ano nga ba ang ginawa sa kanya ni Napoles at nagdesisyon siyang tumestigo laban dito? Totoo bang may masamang motibo lamang si Baddeo kontra sa dating kaibigan dahil sa isang hindi pagkakaunawaan? Sa pagsisiwalat ng mga illegal na transaksyon ng pamilyang Napoles, paano mapahihinto ng administrasyong Aquino ang iba’t ibang anomalyang nangyayari sa pera ng bayan? 

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Show na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” 

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Alex Gonzaga's "MMK" Debut is Philippine's Most-Watched Weekend TV Show; Meg Imperial to Star in this Saturday's Episode

Alex Gonzaga's "MMK" Debut is Philippine's Most-Watched Weekend TV Show; Meg Imperial to Star in this Saturday's Episode


Pinakatinutukang TV show noong weekend ang kauna-unahang “Maalaala Mo Kaya” episode ng balik-Kapamilyang si Alex Gonzaga, na gumanap kamakailan bilang si Pinky, ang mabuting anak na tiniis ang lahat ng pananakit ng kanyang kinikilalang ate masigurado lamang na makapagtatapos siya ng kanyang pag-aaral sa tulong ng mga umampon sa kanya.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media noond Sabado (Agosto 3), most-watched weekend show ang “MMK” heavy drama episode na idinirek ni Don Cuaresma taglay ang 38.6% national TV ratings, o lampas doble ng nakuha ng katapat nitong drama anthology sa GMA na “Magpakailanman” na nakakuha lamang ng 17.1%

Samantala, ang bagong Kapamilya actress naman na si Meg Imperial ang tampok sa panibagong “MMK” episode ngayong Sabado (Agosto 10). Bibigyang buhay ni Meg ang karakter ni Brenda, isang dalagang puno ng duda sa sarili mula nang pagtaksilan ng kanyang dating kasintahan. Sa tindi ng sakit na naramdaman sa panlolokong ginawa ng ex-boyfriend niya, nasira ang tingin ni Brenda sa sarili at inisip na wala nang taong tunay na magmamahal sa kanya.

Kasama ni Meg sa kanyang “MMK” episode sina Brenna Garcia, Bryan Santos, Angeli Gonzales, Melanie Marquez, William Martinez, at KitKat. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Mark Duane Angos, at direksyon ni Dado Lumibao.

Huwag palampasin ang undisputed no.1 drama anthology sa buong Pilipinas, “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/­MMKOfficial.

Monday, August 05, 2013

Jericho Rosales - Kim Jones Engagement Video

Jericho Rosales - Kim Jones Engagement Video


Watch how Jericho Rosales popped out the big question to girlfriend Kim Jones on Sunday, August 4.


 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India