Saturday, August 31, 2013

The Voice PH Second Live Show Elimination Results - September 1

The Voice PH Second Live Show Elimination Results - September 1


Nalagasan na ng tig-iisang miyembro ang apat na teams ng top-rating at Twitter-trending na “The Voice of the Philippines” at ngayong Linggo (September 1), susunod na aawit para sa kanilang mga pangarap ang panibagong batch ng 12 artists para umapelang iligtas ng publiko at ng kanilang coaches.

Haharap sa isa na namang matinding Live Show sina Janice Javier (“I Believe I Can Fly”), Tristhan Perfecto (“When I Was Your Man”), at Penelope Matanguihan (“Ordinary People”) para sa Team Apl; at sina Yuki Ito (“A Song for You”), Klarisse de Guzman (“Beggin’”), at Maki Ricafort (“Without You”) naman para sa Team Sarah.

Magtatapatan naman sina Isa Fabregas (“You’ve Got a Friend”), Paolo Onesa (“You Give Me Something”), at Angelique Alcantara (“Nobela”) para sa Team Bamboo, at sina Mitoy (“Don’t Stop Me Now”), Diday Garcellano (“Rumor Has It”), at Kimpoy Mainit (“Hallelujah”) para sa Team Lea.

Tutukan ang live performances at iboto ang inyong pambatong artists dahil habang commercial break lamang bubuksan ang botohan sa publiko.

Makisali rin sa kwentuhan kasama ang artists sa live chat na magaganap habang live shows sa pamamagitan ng pag-log on sa thevoice.abs-cbn.com

Iniligtas naman ng taongbayan at ng coaches nila sa unang Live Show noong nakaraang linggo sina Thor Dulay at Jessica Reynoso ng Team Apl; Morissette Amon at Eva Delos Santos ng  Team Sarah; sina Myk Perez at Lee Grane ng Team Bamboo; at Darryl Shy at Radha ng Team Lea.

Sinu-sino sa nalalabing artists ang tuluyan nang magpapaalam sa kumpetisyon at mawawalan ng pagkakataong tanghaling “The Voice of the Philippines”?? Kaninong boses kaya ang mangingibabaw para sa publiko at sa kanilang coaches?

Patuloy namang kilalanin ang artists at ang mga kwento sa likod ng kanilang mga pangarap ngayong Sabado (Agosto 31) sa Life Show.

Pakatutukan ang “The Voice of the Philippines” tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:15 PM sa ABS-CBN. Maglog-on sa www.thevoice.abs-cbn.com para sa pinakasariwang news at updates sa programa at para sa ekslusibong profiles at performance videos ng artists. I-like rin ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook, i-follow ang @thevoiceabscbn sa Twitter o i-follow ang abscbnthevoice sa Instagram. I-tweet ang iyong mga opinion sa show gamit ang hashtag na #VoicePHLife  o #VoicePHLive.

“Bistado” Exposes a Syndicate Stealing and Selling Subsidized Medicines

“Bistado” Exposes a Syndicate Stealing and Selling Subsidized Medicines


Bibistuhin ni Julius Babao ang sindikatong nangongolekta ng mga libreng gamot mula sa mga pulitiko para ibenta ngayong Lunes (Setyembre 2) sa “Bistado.”

Sinubaybayan ng “Bistado” ang galaw ng naturang grupo sa loob ng dalawang linggo at natukalasang pangdodoktor ng mga dokumentong medikal gaya ng reseta at medical report ang istilo nila para makakulimbat ng mga libreng gamot sa iba’t-ibang bayan.

Matuldukan na kaya ang kabulastugan ng grupo sa pagkakadokumento ng galaw nito?

Bukod dito, ibubuking din ni Julius ang panggantso ng isang dayuhan na kaya umanong gawing dolyar ang itim na papel pag binudburan ng espesyal na powder na kanya ring ibinibenta.

Ipapakita rin sa episode ang iba’t-ibang gimik ng ilang salisi gang na nahuli sa CCTV (closed-circuit television) camera.

Huwag palampasin ang “Bistado” kasama si Julius Babao, ang inyong katuwang sa seguridad at proteksyon ng pamilya ngayong Lunes (Setyembre 2), 4:45 p.m. sa ABS-CBN. Para sa updates sa programa, i-like ang www.facebook/ BistadoTV o i-follow ang @BistadoTV. Para naman sa mga reklamo at sumbong, maaari itong idulog sa hotline na 414-2539 at i-text ang Bistado(space)(message) at i-send sa 2327 para sa Globe subscribers at sa 09178902327 para sa ibang network.

Enrique Gil, Julia Montes and Enchong Dee's MMFF 2012 Movie “The Strangers” Showing on Cinema One this Sunday

Enrique Gil, Julia Montes and Enchong Dee's MMFF 2012 Movie “The Strangers” Showing on Cinema One this Sunday


Sina Enrique Gil, Julia Montes, at Enchong Dee ay masa-stranded sa isang nakakatakot na barrio sa nakakilabot na pelikulang “The Strangers” na eere sa darating na Linggo (Setyembre 1) sa Cinema One.

Ang “The Strangers” ay kwento ng kambal na sina Pat (Julia Montes) at Max (Enrique Gil) na nag-road trip kasama ang kanilang mga magulang na sina Roy (Johnny Revilla) at Evelyn (Cherry Pie Picache), and kanilang lolo na si Pete (Jaime Fabregas), ang caregiver ni Pete na si Paloma (Janice de Belen) at ang kanilang bagong driver na si Toning (Nico Antonio). Para sa ika-18 birthday ng kambal, plano nilang pumunta sa Murcia, pero habang nasa daan ay tumama ang kanilang van sa isang matandang babaeng nasa kalye. Tumigil sila para tignan kung ano ang nangyari, pero wala silang katawan na nakita.

Pagkatapos ng insidente sa van, sunud-sunod na ang mga pangyayaring hindi nila maintindihan. Na-stranded pa sila sa isang barrio, kaya napilitan silang mag-overnight na muna doon, kung saan nakilala ni Pat si Dolfo (Enchong Dee). Nagkasundo sina Pat at Dolfo, pero suspetsiyang hindi talaga siya tunay na tao.

Ang direktor ng “The Strangers” na si Lawrence Fajardo ay nakatanggap ng maraming karangalan sa mga taong nagdaan dahil sa kanyang mga visually-exciting na indie film. Maraming natanggap na magagandang rebyu ang kanyang action-drama na “Amok”, at nanalo sa Hanoi International Film Festival ang pelikula niyang “Posas”.

Huwag palampasin ang “The Strangers” sa Linggo (Setyembre 1) ng 8:00 p.m. sa Cinema One (SkyCable channel 56), ang numero unong cable channel sa bansa. Para sa mga update sa program schedule, sundan ang @cinema_one sa Twitter at i-‘like’ ang official Facebook page na www.facebook.com/Cinema1channel.

The Kapamilya Network Opens Doors to Pinoy with Ideas for Online Shows

The Kapamilya Network Opens Doors to Pinoy with Ideas for Online Shows


Binibigyang pagkakataon ng ABS-CBN chairman na si Eugenio “Gabby” Lopez III ang mga Pilipinong bumuo ng konsepto maaaring maipalabas bilang bagong materyal o programa sa Internet na papatok sa publiko.

Sa ikapitong Internet and Mobile Marketing Summit noong Biyernes (Agosto 30), inanunsyo ni Lopez na gustong tularan ng ABS-CBN ang video-sharing website na YouTube, na gumawa ng mga bago at orihinal na channels para sa mga celebrity, online video creators, at studios sa Hollywood.

“Kung ano ang ginagawa ng YouTube para sa mundo, gagawin ng ABS-CBN para sa IMMAP members at sa Pilipinas. Kung may ideya kayo, magtulungan tayo. Ipadala ninyo sa amin ang inyong mga konsepto na sa tingin niyo ay papatok sa Internet,” sabi ni Lopez.

Aniya, pipili ang ABS-CBN ng lima o higit pang mga proyekto na popondohan, bubuuin, at ipapalabas nito sa angkop na online platform. Maaaring ipadala ang mga nabuong konsepto sa collabstudio@abs-cbn.com bago matapos ang taon.

Kapag nagtagumpay umano ang mga proyektong ito online, maaaring ipalabas ito sa telebisyon at kumita pa ang bumuo ng konsepto.

Nagmungkahi si Lopez na maaaring lumikha ng mga ideyang maaaring maiprodus para sa kung tawagi’y ‘webisodes’ hango sa top-rating primetime teleserye “Got to Believe.” Ngunit, hinimok niya rin ang publiko na huwag lamang ilimite ang kanilang entries sa mga teleserye at mag-isip pa ng ibang konseptong tiyak na papanoorin ng maraming Pinoy.

Ang collaboration project na ito ng ABS-CBN ay isang paraan para lalo pang mas lumawak ang impluwensiya ng network sa Internet. Ani Lopez, umaabot sa 100 milyong views kada buwan ang naitatala ng online properties ng ABS-CBN, kabilang na ang video-streaming website na iWant TV at YouTube channels nito.

Samantala, nagbahagi rin ng kanyang kaalaman ang chief digital officer ng ABS-CBN at founding president ng IMMAP na si Donald Lim ukol sa digital public relations sa kanyang presentation na “Boom! Engage or Monitor?”

Kabilang sina Lopez at Lim sa mga maimpluwensyang personalidad at eksperto nagsilbing speakers sa ikapitong Internet and Mobile Marketing Summit, na taunang idinaraos ng Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines, isang samahan ng Internet at mobile marketing establishments sa bansa.


Confirmed! Melai Cantiveros is Pregnant with Jason Francisco's Baby

Confirmed! Melai Cantiveros is Pregnant with Jason Francisco's Baby


It is confirmed! Melai Cantiveros is pregnant with Jason Francisco's child.

The confirmation came from "Showbiz Inside Report" host Ogie Diaz on his DZMM radio show "OMJ" on Saturday night, August 31.

Diaz further said that the baby was made in Singapore when the two joined Kris Aquino for the shoot of the international episode of ABS-CBN's daily morning show KrisTV.

It will be recalled that Kris, during one of the show's episode, even promised the couple an all-expense paid honeymoon trip to Los Angeles in the even that they end-up together. “Ito na lang, and lahat ng sinasabi ko tinutupad ko. In the event that you end up marrying each other, ‘yung honeymoon niyo sagot ko. And ang honeymoon niyo ay sa California. Okay? In the event if it really happens. Whether from now, or 10 years from now, gift ko ‘yan sa inyo. Pwede kayong pumunta sa Napa Valley, sa San Francisco, sa Los Angeles.” Kris said.

Boy Abunda, meanwhile, promised to shoulder their wedding reception expenses as a gift.

Congratulations!
 

Vice Ganda Outed Billy Crawford

Vice Ganda Outed Billy Crawford
 

Video: KALOKALIKE Face 2 on YouTube

Angel Locsin Dances to 1990s Hits on "Its Showtime" Video

Angel Locsin Dances to 1990s Hits on "Its Showtime" Video


Video: ABSCBNOnline on YouTube
 

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India