The Voice PH Second Live Show Elimination Results - September 1
Nalagasan na ng tig-iisang miyembro ang apat na teams ng top-rating at Twitter-trending na “The Voice of the Philippines” at ngayong Linggo (September 1), susunod na aawit para sa kanilang mga pangarap ang panibagong batch ng 12 artists para umapelang iligtas ng publiko at ng kanilang coaches.
Haharap sa isa na namang matinding Live Show sina Janice Javier (“I Believe I Can Fly”), Tristhan Perfecto (“When I Was Your Man”), at Penelope Matanguihan (“Ordinary People”) para sa Team Apl; at sina Yuki Ito (“A Song for You”), Klarisse de Guzman (“Beggin’”), at Maki Ricafort (“Without You”) naman para sa Team Sarah.
Magtatapatan naman sina Isa Fabregas (“You’ve Got a Friend”), Paolo Onesa (“You Give Me Something”), at Angelique Alcantara (“Nobela”) para sa Team Bamboo, at sina Mitoy (“Don’t Stop Me Now”), Diday Garcellano (“Rumor Has It”), at Kimpoy Mainit (“Hallelujah”) para sa Team Lea.
Tutukan ang live performances at iboto ang inyong pambatong artists dahil habang commercial break lamang bubuksan ang botohan sa publiko.
Makisali rin sa kwentuhan kasama ang artists sa live chat na magaganap habang live shows sa pamamagitan ng pag-log on sa thevoice.abs-cbn.com
Iniligtas naman ng taongbayan at ng coaches nila sa unang Live Show noong nakaraang linggo sina Thor Dulay at Jessica Reynoso ng Team Apl; Morissette Amon at Eva Delos Santos ng Team Sarah; sina Myk Perez at Lee Grane ng Team Bamboo; at Darryl Shy at Radha ng Team Lea.
Sinu-sino sa nalalabing artists ang tuluyan nang magpapaalam sa kumpetisyon at mawawalan ng pagkakataong tanghaling “The Voice of the Philippines”?? Kaninong boses kaya ang mangingibabaw para sa publiko at sa kanilang coaches?
Patuloy namang kilalanin ang artists at ang mga kwento sa likod ng kanilang mga pangarap ngayong Sabado (Agosto 31) sa Life Show.
Pakatutukan ang “The Voice of the Philippines” tuwing Sabado, 9 PM, at Linggo, 8:15 PM sa ABS-CBN. Maglog-on sa www.thevoice.abs-cbn.com para sa pinakasariwang news at updates sa programa at para sa ekslusibong profiles at performance videos ng artists. I-like rin ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook, i-follow ang @thevoiceabscbn sa Twitter o i-follow ang abscbnthevoice sa Instagram. I-tweet ang iyong mga opinion sa show gamit ang hashtag na #VoicePHLife o #VoicePHLive.
0 comments:
Post a Comment