Thursday, July 25, 2013

Julia Montes, Enchong Dee and Enrique Gil's “Muling Buksan ang Puso” Hits 30.4% Ratings

Julia Montes, Enchong Dee and Enrique Gil's “Muling Buksan ang Puso” Hits 30.4% Ratings


Pumalo ang pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na “Muling Buksan ang Puso” sa all-time high national TV rating nito na 30.4%, o mas mataas ng walong puntos sa kalaban nitong programa sa GMA na “Mundo Mo ay Akin” na may 22.5%, base sa datos noong Miyerkules (Hulyo 24) mula sa Kantar Media na sakop ang mga kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. 

Tampok sa “Muling Buksan Ang Puso” ang natatanging pagsasama-sama ng tatlong henerasyon ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa kabilang sina Julia, Enchong at Enrique; ang mga de-kalibreng aktres na nagbabalik-Kapamilya na sina Agot Isidro at Cherie Gil, kasama ang mga magagaling na aktor na sina Daniel Fernando, Dominic Ochoa at Jestoni Alarcon; at ang mga batikang artista na sina Pilar Pilapil, Dante Rivero, at ang nag-iisang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, na may kilala na ngayon ng mga manonood bilang ang dominanteng karakter na si Donya Adelina Beltran. 


Huwag palampasin ang “Muling Buksan Ang Puso,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Juan Dela Cruz, sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Muling Buksan Ang Puso” sa www.facebook.com/MulingBuksanAngPuso.TV at www.twitter.com/MBAP_official.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India