Monday, August 12, 2013

Pokwang Begins to Have a Change of Heart in Adopting ‘Little Juan’

Pokwang Begins to Have a Change of Heart in Adopting ‘Little Juan’


Susubukin ang pagiging ina ng komedyanang si Pokwang sa pagpasok ng kanyang karakter na si Sara sa afternoon superhero teleserye ng ABS-CBN na “My Little Juan.” 

Matapos ang matagumpay na pag-ampon nila ng asawang si Mark (Allan Paule) kay Juan (Izzy Canillo), unti-unti nang nabubulabog ang konsensya ni Sara ngayong kinakailangan na nilang ilayo ang bata mula kay Fr. Cito (Jaime Fabregas) dahil sa utos ni Donya Tomasa (Tetchie Agbayani). Paano napapayag si Sara sa masamang balak ni Donya Tomasa? Magagawa pa rin ba niya na iwan si Juan sa Maynila nang mag-isa lalo ngayong napalapit na rin ang kanyang puso dito? Sa paglabas ng tunay na kulay ni Mark, paano maililigtas ni Sara si Juan mula sa kapahamakan? 

Huwag palampasin ang exciting adventures nina Juan at Fr. Cito sa “My Little Juan,” 2:45 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India