Monday, August 12, 2013

Judy Ann Santos Will Fight for Her Family Until the End

Judy Ann Santos Will Fight for Her Family Until the End


Wala nang atrasan ang paghihiganti ng karakter ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa “Huwag Ka Lang Mawawala” na magtatapos na sa Agosto 23 (Biyernes). Sa huling dalawang linggo ng consistent top-rating primetime drama series ng ABS-CBN, matutunghayan ng TV viewers ang matitinding komprontasyon nina Anessa (Judy Ann) at ng mapang-abuso niyang asawa na si Eros (Sam Milby), kasama ang kinakasama nito na si Alexis (KC Concepcion). 

Paano tatanggapin ng mga Diomedes, lalo na ni Romulus (Tirso Cruz III), na naisahan sila ni Anessa na matagumpay nang nabawi ang anak nitong si Emman (Miguel Vergara)? Sa huli, sinu-sino ang lalantad na kakampi at kalaban ni Anessa? 

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na tagpo sa “Huwag Ka Lang Mawawala,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Muling Buksan Ang Puso” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India