Domestic Violence Issue Features on "MMK" this Saturday
Sa gitna ng kaliwa’t kanang isyu ng domestic violence na kinasasangkutan ng ilang sikat na personalidad sa bansa, isang napapanahong kwento ang ibabahagi ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Setyembre 7) na pagbibidahan nina Denise Laurel at Rayver Cruz.
‘SPG’ (Strong Parental Guidance) ang rating ng upcoming “MMK” episode dahil sa maselang tema nito na tungkol sa pang-aabusong pisikal, berbal at emosyonal na dinanas ng isang misis sa kamay ng lalaking nangakong siya ay irerespeto, poprotektahan at mamahalin.
Alang-alang sa kanyang mga anak, nagdesisyong magtrabaho si Blythe (Denise) para makatulong sa asawa na si Raymond (Rayver). Ngunit unti-unting nagbago ang takbo ng buhay ng mag-anak nang biglang huminto nang magtrabaho si Raymond at magsimula nang iasa ang lahat ng pangangailan ng pamilya kay Blythe.
Ano ang kayang gawin ng isang ina upang mapanatili ang pangarap niyang buong pamilya? Hanggang kailan kayang magtiis ng isang babaeng dumaranas ng karahasan mula sa taong sana’y haligi ng kanilang tahanan?
Kasama nina Denise at Rayver sa “MMK” sina Belle Mariano, Dianne Medina, Janine Berdin, Gardo Versoza, Ynez Veneracion, Marithez Samson, Kyle Banzon, Hannah Flores, Kelly Misa, Wendy Tabusalla, Beauty Gonzales, Natasha Cabrera, Elaine Quemuel at Lance Lucido. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Del Rosario, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at direksyon ni Don Cuaresma.
Huwag palampasin ang panibagong family dramang aantig sa puso ng lahat sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.
0 comments:
Post a Comment