Thursday, September 05, 2013

Heart Evangelista Opens Up Her New Home and Life in StarStudio Magazine September 2013 Issue

Heart Evangelista Opens Up Her New Home and Life in StarStudio Magazine September 2013 Issue


Ibang klaseng Heart Evangelista ang makikita sa StarStudio magazine ngayong Setyembre, sa in-depth interview dito tungkol sa mga pagbabago sa kanyang buhay mula sa pagiging isang teenage sweetheart hanggang sa pagiging isang independent woman.

Binuksan niya ang kanyang tahanan at nakapag-tour ang StarStudio sa kanyang bagong townhouse, na mayroon pang walk-in closet kung saan naka-display ang koleksyon niya ng mga designer na sapatos, bag, at alahas. Bukod pa dito, ikuwinento rin ni Heart ang kanyang love life kasama si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, at ang mga saloobin niya tungkol sa mga mahal niya sa buhay.

Kasama rin sa issue ng magasin ngayong buwan ang mga showbiz icon na sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez. Ipapakita ng dalawang style icon ng bansa ang kanilang celebrity lifestyle—kasama na rin ang kanilang paboritong mga travel destination, mga paboritong lugar para mag-hangout at ang kanilang mga must-have na gamit.

Bilang isang style treat, ang celebrity designer na si Pepsi Herrera ay magbubukas ng kanyang pintuan sa StarStudio para ipakita ang kanyang tahanan at atelier. Ang kanyang mga muse na sina Kim Chiu at Julia Montes ay magmo-model din ng kanyang kakaibang mga fashion creation.

Isa pang kasama sa issue ang fashion transformation ng dating child star na ngayon ay Teen Princess na—si Kathryn Bernardo, na kilala bilang isa sa mga style icon na para sa kabataan.

Sinundan din ang istorya ng Michael Jackson Kalokalike na si Silver Inabangan, ang “Man in the Mirror” at ang kanyang mga dahilan kung bakit siya naging impersonator ng King of Pop.

Ang lahat na ito ay mahahanap sa September issue ng StarStudio magazine, na hatid ng ABS-CBN Publishing, Inc.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India