Thursday, September 05, 2013

Ai-Ai Delas Alas and Vhong Navarro Affected by Pork Barrel Scam

Ai-Ai Delas Alas and Vhong Navarro Affected by Pork Barrel Scam


Ang dalawa sa pinakasikat na komedyante ng bansa na sina Ai-Ai delas Alas at Vhong Navarro ang nadamay sa ilegal na mga prosesong nagaganap dahil sa “pork barrel” scam na nakaapekto sa kanilang negosyo bilang sina Ate Van at Justin ng “Toda Max” sa darating na Sabado (Setyembre 7).

Muling babalik ang interes nina Justin (Vhong Navarro) at Isabel (Angel Locsin) na magtrabaho sa ibang bansa bilang chef at nurse. Ito ang dahilan kung bakit magtatayo ulit ng karinderya si Justin sa trike wash na kasosyo si Ate Van (Ai-Ai delas Alas).

Sa paghahanap ng pork ni Ate Van na pwedeng gamitin sa pagluluto ay makikilala niya si Madam Junette Mapoles (Janice de Belen) na may ari ng PDAFF Meat Shop na nagbebenta ng “pork barrel” o imported frozen pork meat na nakalagay sa wooden barrel. Ang problema—ilegal pala ang distribusyon nito, at health hazard pa ito dahil double-dead na baboy ang pinagkukunan nito.

Malalaman ng komunidad ng Beverly Gils na nagkita sina Ate Van at Madam Mapoles, at dahil alam nila na bawal ang “pork barrel”, magagalit sila kina Justin at Ate Van sa pag-aakalang kakuntsaba sila ni Mapoles sa kanyang “pork barrel scam”.

Tinanggap ba ni Ate Van ang mga proposal ni Madam Mapoles? Totoo bang kasama sila dito?

Alamin ang mga sagot sa “Toda Max” ngayong Sabado (Setyembre 7) sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “The Voice of the Philippines”.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India