Saturday, September 07, 2013

Celebrity Dog Lovers in “Matanglawin” this Sunday

Celebrity Dog Lovers in “Matanglawin” this Sunday


Sasamahan si Kuya Kim ng celebrity dog lovers na sina Empress at Coleen Garcia ngayong Linggo (September 8) sa “Matanglawin” at aalamin ang mga paraan para i-train at i-treat ang inyong mga pinakamamahal na alagang aso.

Pag-aaralang gawin ng “It’s Showtime” teen host na si Coleen Garcia ang training ng isang dog coach para maturuan niyang mas maging mabait ang kanyang chow-chow na si Booboo na kumakahol sa lahat ng taong makikita niya.

Bibigyan naman ng teleserye princess na si Empress ang kanyang bichon fries na si Cloudy ng quality time at iti-treat ito ng brushing at mud spa session.

Kung akala mo tao lang ang ipinagluluto ng mga chef, ibahin mo si Janina Gonzales, anak ng celebrity chef na si Gene Gonzales, na hindi lang basta isang dog lover kung hindi isa ring chef para sa mga aso.

Samantala, dadalhin naman kayo ni Kuya Kim sa isang dog haven at aalamin kung paanno naalagaan ng may ari nito ang 70 cocker spaniels at iba pang aso matapos nilang sagipin ang mga ito sa lansangan.

Huwag palalampasin ang “Matanglawin” ngayong Linggo (Sep 8), 9:15 AM, sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Justin Bieber, Gold Price in India