“Failon Ngayon” Probes DOJ’s Witness Protection Program
Gaano nga ba katiyak ang mga whistleblower o testigo para sa kanilang kaligtasan sa ilalim ng Witness Protection Program ng Department of Justice matapos silang magsiwalat ng anomalya o krimen? ‘Yan ang aalamin ni Ted Failon sa “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Setyembre 7).
Kukumustahin ni Ted ang mga kontrobersyal na whistleblower noon gaya nina Clarissa Ocampo, George Rabusa, Heidi Mendoza, Vidal Doble at Jun Lozada. Pag-alma nila, nakahahabag umano ang sitwasyon ng gaya nilang whistleblower sa bansa na matapos tumestigo at magbigay linaw sa isang kaso ay kadalasan pang nadidiin o nakakasuhan sa bandang huli.
Bukod dito ay bubusisiin din ni Ted ang diumano’y kawalang disiplina ng mga tricycle driver na nagdudulot ng perwisyo o aksidente.
Hihimayin din ang ipinanunukalang House Bill 1662 na magbibigay parusa sa mga nag-iipon o nangongolekta ng barya. Umaani ito ng iba’t-ibang batikos gayong katumbas daw nito ay ang pagpigil sa mga Pilipino na maging masinop at matipid.
Sa mga isyu ngayon, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang mas matapang, mas walang takot at mas matinding “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Setyembre 7), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage at i-follow ito sa Twitter, @Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FailonNgayon at #FN.

0 comments:
Post a Comment